Friday, July 1, 2011

Lived Experiences In the Light of Jean Watson's Theory

by Teddy Untalasco, Jr.
July 1, 2011, Philippines
Pumasok ako kanina sa kwarto ng aking pasyente para sana mag-morning care. Nagulat ako kasi 7 years old lang ang pasyente, wala ang mga magulang niya at ang 11-year old lang na kapatid niya ang kasama niya sa kwarto. Bawal po ito sa regulasyon
ng ospital dahil dapat laging may matandang bantay ang isang pasyenteng menor de edad pa. Ngunit mas nagulat ako nung
nakita kong yung ate ng pasyente (12 taong gulang) na nagti-TSB sa kanyang nakakabatang kapatid na nilalagnat. Na-touch ako sa aking nakita. Kailanman ay hindi ko iyan ginawa sa aking sariling kapatid nung bata pa kami. Tunay nga na ang "caring" o pagpapahalaga/pangangalaga ay natututunan sa pagkabata. Malamang ay laging nakikita ng nakakatandang kapatid kung paano alagaan ng kanilang ina ang pasyente kaya nag-volunteer na siyang gawin ang role ng ina habang wala siya. "Magiging mabuti kang nurse balang araw," sabi ko sa bata, at ngumiti naman siya.




No comments:

Post a Comment